Tuesday, October 17, 2006

Galit ako sa Kabit


Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa. Sa masamang gawain ng aking ama, naawa na siguro ang diyos. Takot makialam ang mga tao kahit mga kamaganak namin, walang naglakas loob na magsabi sa amin. Pero eto, may kinuhang boy na ang pagkakilala sa kabit ay siyang tunay na asawa, at ang tingin sa aking ina - matandang kulot na tauhan lamang ng aking ama! Mula noon, parang isang tele serye ang naging buhay namin.

Lakas loob kong hinarap at kinausap pa iyong kabit at ang kanyang anak, taga M. de la Cruz lang pala sila. Walang away, walang eskandalo, walang sigawan. Pero ibang klase ang kabit - siya ang asawa ng tatay ko, sinasabi niyang naghiwalay na ang aking magulang. Kilala din siya sa kanyang barangay, may katok daw sa ulo, mapang away, mata pobre, at kilala sa pangalang Magdalena. Iniwan ni Magdalena ang asawa, ang ama ng kanyang tatlong anak na babae para maging kerida.

Ang mga bata, hindi talaga alam ang kanyang kwento, nasanay na tawagin siyang Magdalena. At dahil bata, hilig nilang isigaw ang pangalang Magdalena na ikinagagalit ng magaling na kabit. Inabangan ni Magdalena at Katya (hindi tunay na pangalan) ang mga batang nanunukso, at kanilang nasaktan ang isa sa kanila, si Ryan. Matapang din ang ina ni Ryan na si Clarita, hinarap, kahit kalhati lamang sya sa laki ng magina. May tama nga daw sa utak siguro si Magdalena, siya pa ang nagharap ng reklamo sa barangay. Nagreklamo din si Clarita at Ryan, pero ang kanilang reklamo na lamang ang umakyat sa korte.

Sa bista ng reklamo, muli din akong nagpakita. Nakaupo ako sa loob ng korte kasama ang pamilya ni Clarita at Ryan. Papasok na si Magdalena at Katya, bigla silang napa uron, hindi kagad tumuloy. Natapos ang bista, halatang naggalaiti sa galit si Katya, inis na inis. Hindi nila inaasahan na kakampihan ko ang tinging nilang mga dukha at mahirap. Hinabol ko sila ng kuha ng litrato. Hinarap ako.

"Bakit ka ba ganyan?" sabi ni Katya.

"Sabi sa akin, kunan ko daw kayo ng litrato"

"Ah ganun? Oh sige, kunan mo ako" sagot ni Magdalena, sabay namewang.

Kinunan ko kaagad ng litrato, ganoon din sabay baling kay Katya.

"Bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili ninyo sa tatay ninyo, eh ayaw na sa inyo!!"

Natigilan ako. Ang sakit ng mga salita. Oo nga, ayaw na nga siguro sa amin, paano inagawan na kami. Sabi nga naman nila, mas mahusay at mas palaban ang mga kerida.

Ano pa ba pwede kong gawin? Ano pa ba dapat?

40 years ng kasal ang magulang ko. At ng gabing magusap kami ni Magdalena, pinagmamalaki niya, 20 yrs na daw sila ng ama ko. Ang tatay ko daw bumuhay sa kanya at tatlo niyang anak. Ang tatay ko nag pa aral sa mga anak nya mula elementarya hanggang kolehiyo. Ang tatay ko na hindi nagbigay sa pagaaral ko o ng kapatid ko.

Nagharap na rin ang buong pamilya. Matapang nuong iuna ang ina ko, ngunit parang kandilang naupos ng sinabi ng tatay ko, "Hindi ko kerida iyon, asawa ko iyon". Natakot ako para sa aking ina, bigla na lang siyang napayuko, nanahimik. Natapos ang usapan, hindi daw uuwi ang tatay ko sa Pasay, pero hindi rin daw sya uuwi sa M de La Cruz. Kahit na, parang tulala na ang nanay ko. Ibang klase ang ama ko. Ang tatay ko na hindi man lang humingi ng sorry sa kanyang kasalanan kundi buong pagmamalaki na inamin pa ang iba pa nyang naging kabit o kerida.

Sabi nila ipa Diyos na lamang ang makasalanang magdalena. Ewan ko. Ang nalaman ko, wala akong karapatan na idemanda sila, ang nanay ko lamang o ang asawa ni Magdalena. Kaya sa ngayon, idinadaan ko na lang sa pagsusulat at sa internet ang lahat ng sama ng loob. Tuyo na kasi na kasi luha ko. Nagtayo din ako ng isang yahoogroup sa http://groups.yahoo.com/group/jailthemistress na may mga nakakaunawa at sumasali.

Alam kaya nila ang kasalanan nila? Ang epekto nila sa mga anak? Susunugin kaya talaga sa impyerno ang mga kaluluwa nila? Ewan... basta ako, galit kay Magdalena.

3 comments:

Introspective Rhimeslex Gonzales said...

nakakarelate ako sa kwento mo...ang papa ko ganun rin...bahala na...may kaya naman ung babae nia...hindi na ako mangingialam pa kung anong gusto niang gawin sa buhay nia...basta ang mahalaga nakakasustento sia sa mga kapatid ko at paaralin nia ako hanggang sa matapos...

BACKPACKER FAMILY said...

Check out this profile on Friendster. anne ( http://profiles.friendster.com/104139424 )



ETO PO ISANG PROFILE NG ISANG MALANDING HUTHUTERANG KABEETTT...

INGAT PO KAU .. NAME NYA STEPHANIE JOY ARTIAGA...

BACKPACKER FAMILY said...

Check out this profile on Friendster. anne ( http://profiles.friendster.com/104139424 )



ETO PO ISANG PROFILE NG ISANG MALANDING HUTHUTERANG KABEETTT...

INGAT PO KAU .. NAME NYA STEPHANIE JOY ARTIAGA...